Nagbabala ang Department of Health (DOH) laban sa mga di-awtorisadong paggamit ng glutathione at stem cell infusion na namamayagpag sa social media.

Ipinagbawal ng DOH ang IV glutathione para sa skin whitening, sabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa matapos ang isang trahedya kung saan namatay ang isang babae matapos sumailalim sa di-aprubadong procedure.

Inabisuhan ng opisyal ang publiko na labag sa DOH regulations ang mga ganitong treatment process.

Nagpaalala rin si Herbosa na ang stem cell treatments ay dapat sumunod sa mahigpit na regulasyon at gawin sa credited clinic.

Ang FDA ay matagal nang nagbabala laban sa paggamit ng injectable glutathione para sa pampaputi, maliban sa ilang kaso ng chemotherapy.

Ulat ni April Steven Nueva España