Makatatanggap ang mga maralitang senior citizens ng P1,000 monthly social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula Pebrero 2024.
Sa isang press statement, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez na ang pondo para sa pagsasakatuparan ng Republic Act 11916 o Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens ay kasama na sa 2024 budget ng ahensiya.
“The funds increasing the monthly stipend for social pensioners were already approved and included in the 2024 budget of the agency,” ayon kay DSWD spokesperson Romel Lopez.
Pasok sa social pension para sa mga nakatatanda ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa isang semestral na batayan na may kabuuang halagang P6,000 bawat payout upang madagdagan ang kanilang pang-araw-araw na kabuhayan at iba pang pangangailangang medikal.
Ang Social Pension for Indigent Senior Citizens (Republic Act 11916) ay inakda ni Senator Sonny Angara, na author din ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 (RA 9994) na nagbigay ng mga dagdag na benepisyo sa matatanda, kabilang ang 12 porsiyentong VAT exemption sa mga binibiling produkto, utilities, at serbisyo.
Ulat ni Jhon Romer Regidor