Sa imbestigasyon ng Committee on Energy ng Senado ngayong Miyerkules, Enero 10, sa malawakang brownout sa Panay Island, naliliitan si Senator Sherwin Gatchalian sa P50 milyong multa sa NGCP kung sakaling mapapatunayang ito ay nagpabaya sa nangyaring apat araw na power outage.
Ayon kay Gatchalian, aabot sa P4 bilyon umano ang ikinalugi sa negosyo sa buong Panay island nitong unang linggo ng Enero.
Paliwang pa ng Energy Regulatory Commission (ERC), wala rin umano silang kapangyarihan para mangolekta ng multa at maibalik sa mga residente na naapektuhan ng malawakang brownout dahil ilalagay umano ito sa national treasury.
Maari lamang umano sumingil ng danyos ang mga lokal na pamahalaan sa Panay Island kung maghahain ito ng reklamo sa korte.