Determinadong itaas ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo ang kanyang performance upang makamit ang layunin sa Palaro, lalo na sa anim na buwan bago ang 2024 Summer Olympics sa Paris.
“Nandun na ako sa process na nagdagdag ako ng isang element, isang skill. Isang pass na makakaangat sa D-score ko. 6.3 (difficulty) ako last year sa World Championships and sa routine ko ngayon is 6.6. Yun po yung wino-work ko, mabigat din siya kapag sa all-around,” ayon kay Filipino gymnast Carlos Yulo.
Inilipat ang training camp ni Carlos Yulo mula Tokyo patungong Manila at ngayon ay nagsusumikap na itaas ang level of difficulty sa kanyang routines para sa three apparatus na floor, vault, at parallel bars.
Nakuha ng two-time world champion na si Yulo ang kanyang ticket sa Paris Games noong Oktubre 2023, nang maabot niya ang finals ng floor exercise sa World Artistic Gymnastics Championships sa Antwerp, Belgium. Siya ang pangalawang Pilipinong nag-qualify sa Olympics, pagkatapos ng pole vaulter na si EJ Obiena.