Nagsalita na ang high-flying Filipino import na si Rhenz Abando tungkol sa kanyang injury dalawang linggo na ang nakakaraan habang naglalaro sa Korean Basketball League (KBL).
“I feel better than the first day that I got the injury. To all the fans who got worried about me, now I’m gonna tell you that I feel better. For the past two weeks, [I’ve been getting] better,” ayon kay Filipino professional basketball player na si Rhenz Abando.
Ito ay matapos magpadala ng maikling video greeting, na nagpapasalamat sa Koreans fans na sumusuporta sa kanyang team na Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters.
“I just wanna say hi to JKJ fans and to my Filipino fans. Wishing you nothing but the best this year, and thank you for supporting me,” sabi pa ni Abando.
Ipinahayag ng 25-anyos na si Abando na “feels better” na siya, tiniyak niya sa mga tagahanga ng Anyang na “not to worry,” habang sinasabi sa kanila na “wait for his comeback.”
Ang athletic na si Abando ay kasalukuyang nagpapagaling mula sa multiple head, spine and wrist injuries kasunod ng isang mid-air collision kay Goyang Sono import Chinanu Onuaku sa isang laro noong Disyembre 28.