Sinaluduhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga Pinoy para athletes na humakot ng medalya sa ginanap na 4th Asian Para Games sa China noong Oktubre 2023.
“Kung kaya niya, kung kaya nila na magkamedalya, kung kaya nila sa kanilang kondisyon— eh nagagawa nila ito, eh siguro naman tayong pangkaraniwan na Pilipino ay mas lalo pa nating kaya,” sabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“You fall into a very special category because beyond the glory that you bring to our country, you continue to inspire the nation. You continue to inspire every Filipino,” pahayag ng Pangulo sa ginanap na awarding of incentives para sa mga atleta sa Malacanang ngayong Miyerkules, Enero 24.
“You have projected that adversity can be overcome, impairment can harness inspiration, and barriers can be bridges to triumphs,” giit ng Pangulo kung saan ibinandera niya rin ang Bagong Pilipinas slogan ng kanyang administrasyon.
Pinangunahan ng Office of the President ang pamamahagi ng kabuuang P13.45 million bilang cash incentives sa mga para athletes na naguwi ng medalya sa ilalim ng Republic Act No.10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
Nasungkit ng Pilipinas ang 19 na medalya sa 4th Asian Para Games na kinabibilangan ng apat na gold, apat na silver at limang bronze.
Ang bawat atletang naguwi ng gold medal ay nakatanggap ng tig-P1 milyon, P500,000 para sa silver, at P200,000 sa bronze medalist.