Inamin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pag-edit ng “damit” ng nanalo sa lotto sa larawan para itago umano ang pagkakakilanlan ng nanalo; Humingi ng paumanhin si PCSO Gen Manager Mel Robles para sa “poor editing”.
Sa Senate inquiry, ngayong Huwebes, Enero 18, humingi ng pangunawa ang PCSO management sa ginawang ‘poor editing’ sa nag-viral na larawan sa lone winner.
“Itong picture na ito very controversial ito sa social media, edited daw ito?” tanong ni Sen.Tulfo.
“Yes your Honor. We have to protect the identity of the winner. Meron pong nagreklamo sa amin one time; we covered the face, eh ‘yong damit naman po ay nakilala. So nagreklamo siya, sana naman daw po ‘wag ipakita ‘yong damit, so ‘yan po ang reason niyan,” sagot ni Robles.
Nais din malaman ni Sen Tulfo ang pagkakakilanlan ng mga nanalo sa lotto para ma-cross check kung sila ay tunay na bettor at hindi “katropa” ng PCSO.
Ulat ni Princess Mae Dumagat