Viral ngayon sa social media ang 17-anyos na taekwondo yellow belter matapos i-set up ng kanyang coach sa isang black belter na lalaki sa sparring match.

Naniniwala ang ina ng biktima na sinadya ito ng kanyang coach dahil pumoporma ang coach sa babae.

Nagselos di umano ang coach sa pag punta ng kasintahan ng babae sa training nila na may dala-dalang bulaklak.

“Muntikan na po ako mamatay dahil sa bugbog. Binugbog ako na wala akong laban. ‘Di ko kaya lumaban wala ako magawa sa sarili ko kasi pinartner ako sa lalaki na mas mabigat sa akin 70 kilos, black belter pa. Kakasimula ko lang po,” saad ng biktima.

Ayon sa abogodo ng biktima ay nakapag hain na sila ng reklamo laban sa coach, kung saan kinumpirma naman ito ng pulisya.

Patuloy naman na nagpapagaling sa ospital ang babae matapos ang insidente noong Pebrero.

Ulat ni Erika May Lagat/Intern