Dinepensahan ng isang babaeng social media user ang kanyang sarili sa Facebook matapos siyang makakuha ng atensiyon ng mga netizen nang sabihin na nanood siya ng pirated na version ng MMFF movie na ‘Rewind.’
“Daming umiiyak sa POST ko. Kesyo bakit daw sa laptop ako nanood, saan ba dapat? “Sa plato?” Kesyo magandang lesson daw dyan wag manood ng PIRATA. Yes may point naman kayo, mali naman talaga. FYI!! THE LINK IS ALL OVER THE INTERNET! sabi ng isang netizen.
“Bakit di nyo sisihin o hanapin yung mismong UPLOADER? Ofcourse may LINK na at nasa FB na, sinong taong aayaw na panoorin kung naka upload na sa FB/INTERNET FOR FREE. Lalo na at pabor sa mga taong walang kakayahan manood ng CINE,” mababasa pa sa post ng netizen.
“Yung iba nga mas makakapal ang MUKHA, pinagkakakitaan pa bago ibigay yung link! As if naman mapipigilan nyo pa yung mga tao na wag manood ng PIRATA! Para namang di nyo naranasan tangkilikin yung pirate CD sa BANGKETA noon mapanood nyo lang yung gusto nyong MOVIE,” dagdag pa niya.