Bagama’t binansagang “hopeless addict” at streetdweller sa loob ng 20 plus years walang makakapaniwala na darating ang araw na mabibigyan ng pagkakataon si Kuya Berta na magbago at makapaglakbay.

Kahapon sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahigit 20 taon, sumakay na rin siya ng barko papuntang Leyte kasama ang ilang mga kasamahan niya sa Safehaven Recovery Village.

Ngayon, ninanamnam niya ang bawat sandali. Sa susunod na buwan, magkakaroon pa siya ng pagkakataong makasakay sa eroplano patungong Luzon.

Si Kuya Berta ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang administrative staff member sa Safehaven. Matapos makumpleto ang kanyang drug rehabilitation sa Safehaven noong nakaraang 2021, nagpasya siyang manatili sa pasilidad upang ipagpatuloy ang pagtulong sa ibang tao na nalulong din sa droga.

Saludo kami sa iyo Kuya Berta!

Ulat ni Princess Mae Dumagat