Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na halos 45,000 pamilya, o mahigit 187,000 katao, sa rehiyon ng Davao ang naapektuhan ng pagbaha at landslides dahil sa malakas na pag-ulan na dala ng shear line.
“A total of 44,888 families or 187,108 persons were affected. Of which, 1,990 families or 6,709 persons were served inside 36 ECs (Evacuation Centers) and 525 families or 2,198 persons were served outside ECs,” ayon sa NDRRMC.
Naapektuhan ng pagbaha nitong Martes, Enero 16 ng umaga ang ilang barangay sa Mawab, Nabuntura, at Maragusan sa Davao de Oro; at ang mga munisipalidad ng New Corella, Kapalong, at Panabo City sa Davao del Norte.
“On the same date, evacuation procedures and rescue operations were conducted to the affected families in some Barangays of Tagum City, and New Corella Municipality all in Davao del Norte Province due to continuing increase of flood waters,” sabi pa ng NDRRMC.