Nakatakdang humarap ngayong araw ng Martes, Enero 17 sa tanggapan ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang motoristang tatlong beses nang nag-viral dahil sa magkakahiwalay na insidente ng road rage sa Quezon City.
Inalabas na show cause order ng Land Transportation Office (LTO) noong Enero 5, na kaugnay sa unang road rage incident.
Sa online na pagbatikos kay Jessie Virtudazo o mas kilala sa pangalang “Mang boy” o “Vin Unleaded” sa social media ang nasabing motorista na nasangkot sa iba’t ibang road rage incident.
Unang naging viral ang road rage incident ni Virtudazo noong Disyembre 2023, at sinundan ito ng isa pa noong Enero 4, at ang pinakahuling insidente ay noong Enero 12.
Sinuspende na ng LTO ng tatlong buwan ang lisensya ni Virtudazo bukod pa rito ang pagkakaso ng Obstruction of Traffic at Improper Person to Operate a Motor Vehicle, na may posibilidad ng kanselasyon ng lisensya.
Hinikayat ni LTO Chief Vigor Mendoza II si Virtudazo na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ahensya. Muling ipinaalala ni Mendoza ang importansya ng pakikipagtulungan ng mga motorista sa imbestigasyon at nananawagan ng pag-iingat laban sa init ng ulo sa kalsada.
Nangangamba at natatakot naman ang ina ni Virtudazo para sa kanayang anak, paliwanag nito, may bipolar disorder umano ito kaya ganun na lamang uminit ang ulo nito sa kalsada.