Halos hindi naramdaman ng mga pasahero sa Commonwealth Avenue, Quezon City ang kilos protesta ng grupong PISTON at Manibela ngayong Martes, Enero 16, dahil marami sa mga jeepney drivers ang nagpatuloy sa pamamasada.
Nagtipon-tipon ang Manibela at PISTON sa bahagi ng University of the Philippines (UP) Diliman para magsagawa ng programa laban sa traditional jeepney phaseout, umaasang mapapakinggan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang panawagan laban sa PUV Modernization Program.
Hanggang Enero 31 na lang maaaring mamasada ang mga tsuper na hindi nakapag-consolidate ng prangkisa.
Ulat ni April Steven Nueva España