Para sa mga Pinoy internet subscribers, tunay na “music to the ears” ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State-of-the-Nation (SONA) address kamakailan kung saan tiniyak nito na priyoridad ng pamahalaan ang digitalization ng buong bansa para lumago ang ekonomiya.
Subalit para kay Prof. David Michael San Juan ng De La Salle University (DLSU), hindi ganun ka-simple ang sitwasyon dahil may malaking hamon ang gobyernong Marcos para maiskatuparan ito.
“Majority of Filipinos can only afford to ‘buy’ mobile internet subscriptions,” giit ni San Juan sa interview ng Businessworld online.
“Granted for the sake of argument that speed is no longer a problem, price still is,” dagdag niya.
Nasa ika-55 ang Pilipinas mula sa ranking ng 117 bansa sa Digital Quality of Life Index 2022, isang survey na isinagawa ng virtual private network provider Surfshark. Noong 2021, ang Pinas ay nasa ika-48.
Ayon sa Surfshark report, ang Pinas ay ika-98 sa global ranking sa “worst in internet affordability” kung saan dating nasa ika-72 noong 2021.
“Internet in the Philippines is not affordable compared to global standards,” giit ng Surfshark.
Lumilitaw na ang isang 1 gigabyte (GB) mobile internet package ay may katumbas na apat na minuto at 51 segundo kada buwan sa Pilipinas, na 59 beses na higit pa sa limang segundo ng internet upang makabili ng isang 1 GB package sa Israel. Iginiit ng Surfshark na ang Israel ang itinuturing na may pinaka-affordable mobile internet sa buong mundo.