Umabot na sa 2,764 ang mga kaso ng gastroenteritis sa Baguio City matapos madagdagan ng 462 reported cases ngayong Biyernes, Enero 12.
Ito ay matapos magpakonsulta sa mga medical professionals ang mahigit 609 indibidwal mula noong Disyembre 2 hanggang sa kasalukuyan, ayon sa city’s health office.
Idinagdag nito na karamihan sa mga naiulat na kaso ay mayroon pa ring mga sintomas tulad ng pagtatae, pananakit ng tiyan, pagsusuka, kawalan ng gana sa pagkain, at pagduduwal. Karamihan sa mga nahawahan ay mula sa edad na 20 hanggang 24.
Idineklara na ni Mayor Benjamin Magalong ang outbreak ng gastroenteritis sa Baguio City kamakailan.