Pinatunayan ng mag-asawang Sharmaine at Alvin Cruz mula sa Laguna na ang happy ending ay hindi tungkol sa pagkakaroon ng pangmatagalang relasyon, matapos nag-propose si Alvin sa kanyang girlfriend na wala pang isang taon ang relasyon.

Nagkakilala sina Shaine at Alvin sa gitna ng pandemic. Una silang nagkita noong 2021 at naging opisyal noong Marso 2021.

“Hindi kami nagligawan, to be honest, ng sobrang tagal. Diba ‘yung iba papatagalin pa, sabi namin sa isa’t-isa, ‘Let’s not waste time. If we are meant for each other then God will find a way for us.’ If it’s for you then go for it. Sayo na ‘yan eh. ‘Wag mo nang pakawalan. Whether it’s too long or too short in the relationship, as long as you love each other, you respect each other, along the way, God will give you a great foundation,” sabi ni Sharmaine.

“Kung nakita niyo ang sarili niyo na gusto niyo nang magpakasal o nakita niyo na ito na talaga ‘yung magiging wife ko, bakit niyo pa patatagalin? Pakasalan niyo na!” hirit naman ni Alvin.