Isang pinaghihinalaang lider ng NPA ang napatay sa bakbakan ng militar at mga rebeldeng komunista sa Borongan City, Eastern Samar nitong Sabado, Enero 6.
Ayon sa ulat ng 8th Infantry Division , matatapos ng engkwentro, nakita ng militar ang bangkay ni Martin Cardeño Colima, alyas na “Moki.” Narekober din sa lugar ang isang cal. 45 na baril at pitong backpack.
Ayon sa militar, si Colina ay secretary ng Sub-Regional Committee-SESAME, Eastern Visayas Regional Party Committee at siya ring pinaniniwalaang mastermind sa ambush sa Brgy. Libuton, Borongan City noong Disyembre 13, 2019, na ikinasaw ng isang pulis at tatlong sibilyan, at ikinasugat ng nasugatan labiong dalawa.
Base sa ulat ng militar, nagsasagawa umano ng extortion activities sa lugar at may pinaplanong pag-atake sa mga miyembro ng CAFGU auxilliary at ilang dating rebelde bago naganap ang engkuwentro.
Sa kabila nito, nagpahayag ang commander ng 802nd Brigade na si Brig. Gen. Noel Vestuir ng kanyang pakikiramay sa pamilya ni Colima, at ipinaabot ang apela na maari nilang kunin na ang bangkay nito para sa nararapat na libing.