Mahigit 200,000 katao ang nagdasal ng nitong unang Linggo ng taon, Enero 7, sa Quiapo Church, dalawang araw ang bago magsimula ang Traslacion o prusisyon ng Itim na Nazareno.
Sinabi ng Manila Police na libu-libo ang dumalo sa 15 hourly masses na nagsimula alas-5 ng umaga.
Hinigpitan ng pulisya ang mga hakbang sa seguridad, tulad ng paglalagay ng bakod sa harapan ng simbahan at paglalagay ng walk-in scanner at X-ray machine sa entrance ng simbahan.
“Matagal na panahon natin pinag-aralan ‘yung fence. So mayroon nang fence sa Plaza Miranda— metal fence. Aside from that, ‘yung deployment natin ng personnel, mas marami kami ngayon,” ayon kay Plaza Miranda Police Chief Rowell Robles.