Naganunsiyo ang pamahalaan ng United States at People’s Republic of China (PROC) na magpapadala ang mga ito ng kani-kanilang military forces sa South China Sea kasunod ng girian sa pagitan ng China Coast Guard at Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea, na inaangkin din ng PROC.

Sinabi ng People’s Liberation Army (PLA)-Southern Theater Command ng China na nagorganisa ito ng routine patrols para sa naval at air forces nito sa pinagaagawang teritoryo mula Enero 3 hanggang 4, 2024, ayon sa ulat ng Agence France Presse.

Samantala, inanunsiyo rin ng US na magsasagawa rin ng joint military drills ang USS Car Vinson, isang carrier strike group, kasama ang Philippine Navy sa lugar.

“The US Navy regularly conducts exercises like these to strengthen ties among allied and partner nations,” ayon sa statement ng US.