Anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) at isang sundalo ang nasawi sa bakbakan sa Balayan, Batangas nitong Linggo, Disyembre 17.
Batay sa ulat ng 2nd Infantry Division (ID), nagsagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 59th Infantry Battalion, Philippine Navy, at Philippine Air Force sa Barangay Malalay nang maka-engkwentro ng mga ito ang mga rebelde na miyembro ng SPP Kawing ng Southern Tagalog Regional Party Committee Sub-Regional Military Area 4-C.
Anim na rebelde at isang sundalo ang nasawi sa naturang bakbakan.
Tatlong sundalo din ang nasugatan na agad na dinala sa pagamutan.
Narekober mula sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang M16 rifle, isang M653 rifle, isang shotgun at mga subersibong dokumento.
Patuloy naman ang ginagawang hot-pursuit operation ng militar laban sa mga nagsitakas na rebelde.
Tiniyak nama ni 2nd ID commander Major Gen. Roberto Capulong na bagamat nalagasan din sila ng tauhan sa bakbakan ay hindi naman sila titigil sa kanilang operasyon laban sa mga rebelde upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad.
Ulat ni Baronesa Reyes