Tumaas ang seismic activity ng Mount Bulusan sa probinsya ng Sorsogon nitong mga nakalipas na araw, ayon sa Phivolcs.
Sa advisory ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), simula December 29, 2023 ay nakapagtala sila ng 116 lindol sa paligid ng bundok.
Sa nasabing bilang ng lindol, 110 ang volcano-tectonic earthquakes na may kasamang rock gracturing habang ang anim ay pawang mga low-frequency tremors na may kasamang paggalaw ng volcanic fluids.
‘The increased seismic activity and pressurization of the volcano edifice may indicate that hydrothermal processes may be occurring beneath the volcano and may lead to steam-driven eruptions at any of the summit vents,” laman ng advisory ng Phivolcs.
Matatandaan na itinaas sa alert level 1 ang paligid ng Mount Bulusan noong October 25, 2023 dahil sa pag-aalburuto nito.
Binalaan din ng ahensya ang publiko na iwasan ang pagpasok sa 4- kilometer radius permanent danger zone dahil sa posible phreatic eruptions.
Maging ang mga residente na nakatira malapit sa bundok at sa mga ilog o stream channels ay pinayuhang maging alerto sa posibleng panganib na dulot ng lahar sa sandaling magkaroon ng pagsabog na sasabayan ng malakas na ulan.
Ulat ni Baronesa Reyes