Umapela ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa “whole-of-industry approach” para maiwasan ang multiple plant trippings na nagdulot ng malawakang power outage sa maraming lugar sa Panay Island na nagsimula noong Martes, Enero 2.
“The unscheduled maintenance shutdowns of the largest power plants in Panay island was the primary cause of the power interruption. We emphasize the need for improved planning to ensure sufficient generation per island, with a well-balanced mix of fuels and technology,” pahayag ng NGCP.
Sa una nitong pahayag, iniulat ng NGCP na nakaranas ng multiple trippings ang iba’t ibang power plant sa Panay Island, kabilang ang PEDC Unit 1 and 2, at PCPC na nagdulot sa power supply shortage dahil apat lang mula sa 13 power plant ang lumilikha ng kuryente para sa Panay Island.
“We will be restoring loads conservatively, by matching loads to restored generation, to prevent repeated voltage failure. NGCP is ready to transmit power once it is available. The people must understand that we can only transmit power, we do not generate power,” ayon sa NGCP.
Ayon din sa kumpanya, nagpadala ito ng liham sa Iloilo City government noong Mayo 11, 2023 upang bigyang diin ang pagpapatupad ng resource optimization planning ng mga policy makers upang magkaroon ng epektibong solusyon ang lumalalang suliranin sa supply ng kuryente.
Samantala, iginiit ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas na dapat panagutin ang NGCP sa nararanasang malawakang brownout sa buong Panay at Guimaras Island, at ilang bahagi ng Negros provinces simula pa kahapon, Enero 2.
Dahil sa kawalan ng kuryente, sinuspinde ni Trenas ang klase sa lahat ng antas sa public o private schools sa lunsod ngayong Miyerkules, Enero 3.
Aniya, tinangka niyang tawagan ang mga opisyal ng NGCP upang alamin ang sitwasyon ng power supply sa kanilang lugar subalit wala sino man sa kanila diumano ang nakikipagugnayan sa lokal na pamahalaan upang magbigay ng update.
“Unfortunately, there are not giving us updates while I have the number of Anthony Almeda, the president of NGCP but he doesn’t answer my text messages,” giit ni Trenas.