Pasok sa banga ang pambato sa Miss Earth Philippines 2023 na si Yllana Marie Aduana sa Top 12 Best National Costume category.

Ang 25-anyos na beauty queen na si Yllana Marie Aduana ay isa sa three delegates para sa Asia and Oceania continental group kasama ang Myanmar at Vietnam.

Ito ang nagbigay-daan sa kanya para makakuha ng mas maraming boto dahil siya ay may karapatan sa dobleng kapangyarihan sa pagboto sa Miss People’s Choice competition mula Disyembre 20, alas-9 ng gabi, hanggang Disyembre 21 sa kaparehong oras.

Nitong Miyerkules, Disyembre 20, ang kinatawan ng Pilipinas ay kabilang sa nangungunang limang kandidato para sa kategoryang Miss People’s Choice, kung saan ang mananalo ay pasok sa semifinals.

Ang Miss Earth 2023 coronation night ay magaganap sa Disyembre 22 sa Saigon Exhibition and Convention Center.