Itinanggi ng isa sa mga 80s Softdrink Beauty na si Coca Nicolas, ang mga alegasyon kaugnay sa kontrobersiya kina Pepsi Paloma at sa grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o mas kilalang TVJ.

“Kaya ako mismo, ako ang magpo-prove n’yan na hindi totoo ‘yun. Siya mismo nagsabi kasi sakin na hindi totoo ‘yun,” sabi ni Coca Nicolas, isa sa tinaguriang “80s Softdrink Beauty.”

Sa isang panayam ng beteranong journalist Julius Babao kay Coca, ibinahagi niya na direkta niyang tinanong si Pepsi tungkol sa mga balitang kumakalat hinggil sa TVJ. Ayon kay Coca, itinanggi ni Pepsi ang mga ito at sinabi na ito ay imbento lamang ng kanilang dating talent manager na si Rey de la Cruz.

“Parang hindi ka naman na-ano d’yan kay tito (Rey), lahat gagawin n’yan para sumikat tayo,” ani umano ni Pepsi kay Coca.