Nakahanda na ang mga government agencies na tiyakin na magiging maayos at mapayapang pagdiriwang ng holiday, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos nitong Lunes, Disyembre 18.

“Sa ngalan ng [Philippine National Police], may mga protocols na ‘yan, nakahanda na yan, alam naman natin, pag Christmas shopping, maraming tao, historically, kapag magpa-Pasko, nag-i-increase ng kaunti,” ayon kay Abalos.

Itinakda na rin ang pagsasagawa ng security inspection sa mga daungan ng passenger ships, mga bus terminal, at paliparan.

“Nakahanda na ang PNP, naka-deploy na silang lahat,” saad ni Abalos.”Ang ating Bureau of Fire Protection (BFP), nakahanda na yan sa mga putukan,. ‘Di mo masasabi, sa firecrackers baka magkaroon ng sunog.”