Nakapaguwi na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kanyang four-day official visit sa Japan ng mga bagong investment pledges na nagkakahalaga ng ₱14.5 bilyon.
Umalis si Marcos patungong Tokyo nitong Biyernes, Disyembre 15, para dumalo sa commemorative summit sa ika-50 taong pagtutulungan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Japan.
Sinabi ni Marcos na ang bagong investment pledges ay magbibigay ng 15,750 karagdagang trabaho para sa Filipino workers.
Ito ay higit pa sa 9,700 bagong trabahong nabuo mula sa ₱169.7 bilyon na capital funneled sa Philippine economy mula sa kanyang pagbisita sa Tokyo noong Pebrero.
Sa kabuuan, ang bansa ay nakaipon ng pinag-samang ₱771.6 bilyon o humigit-kumulang $14 bilyon na investment pledges mula sa Japanese businessmen mula sa mga pagbisita ng Pangulo sa Pebrero at Disyembre.
Inihayag din ng pangulo ang paglagda ng dalawang memorandum of cooperation (MOC) sa Japan sa kanyang pagbisita: isa sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources at ng Ministry of the Environment ng Japan, at ang isa sa pagitan ng mga coast guard ng dalawang bansa.
Dumalo rin si Marcos sa Asia Zero Emissions Community (AZEC) Leaders’ Meeting sa Tokyo kung saan ipinaalam niya sa mga kasosyong bansa ang mga hakbangin sa Pilipinas tungo sa pagtataguyod ng paglipat ng malinis na enerhiya.
“I highlighted our experience in promoting clean energy projects such as first wind farms in Southeast Asia in 2003 during my term as governor of Ilocos Norte,”sabi ni Marcos.