Magplano ng maagang pamimili upang maiwasan ang traffic sa Christmas rush dahil sa inaasahang 20 porsiyento na pagtaas ng dami ng mga sasakyan ayon Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Payo ng MMDA, mamili sa mga commercial center na pinakamalapit sa kanilang mga tahanan upang maiwasang maipit sa traffic sa metropolis dahil sa mga shopping malls at iba pang commercial establishments.
“Gawing abala at walang stress ang iyong pamimili sa Pasko sa pamamagitan ng pagpaplano nang maaga. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang matinding traffic, mahabang pila sa paradahan, at masikip na mga mall,” sabi ni MMDA chairman Romando Artes.
Pinalalalahanan din ni Artes ang mga motorista na maghanda para sa matinding trapiko sa Disyembre 15 dahil sa ‘payday weekend’, at sa Disyembre 22, ang huling Biyernes at araw ng trabaho bago ang Pasko, dahil sa pagdagsa ng mga huling minutong mamimili at mga taong pupunta at mula sa mga probinsya.