Inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting chairman Don Artes na simula sa Lunes, Nobyembre 20, bawal na ring dumaan ang mga marked government vehicles sa exclusive EDSA bus lanes.
“Doon po sa mga kasamahan namin sa pamahalaan, hindi na po puwede ang clearly marked government vehicles sa bus carousel starting Monday, ie-enforce na po natin yan,” pahayag ni Artes.
Sa bagong patakaran na inilabas ng Department of Transportation (DOTr), tanging ang mga sumusunod na sasakyan lamang ang maaaring gumamit ng EDSA carousel lane:
– LTDRB-authoritized buses para sa EDSA Busway Route, kabilang ang mga unit na may special permits at prangkisa na maka-operate sa naturang ruta.
– Naka-duty na ambulance, fire truck, at police vehicles.
– Service vehicles na nagsasagawa ng pagkukumpuni o pagmimintina ng EDSA busway project, kasama ngunit hindi limitado sa construction work, paglalatag ng seguridad, at maintenance service ng naturang daanan.
Exempted naman sa violation ang mga sumusunod sa paggamit ng busway:
– Pangulo ng bansa
– Vice President
– Senate president
– House speaker
– Supreme Court justice