Kasabay nito nag-alok P1 milyong pabuya si Gov. Mangudadatu sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadaRakip ng apat na suspek sa nangyaring pagpapasabog sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nitong Linggo Disyembre 3.
“We intensely condemn this barbaric, terroristic and inhumane act. We hoped the reward would help hasten the resolution of the case and bring justice to the victims,” pahayag ni Sultan Kudarat Gov. Pax Ali Mangandadatu.
Miyerkules Disyembre 6 , inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang larawan ng mga pangunahing suspek na sina Kadapi Mimbesa, na nakilala sa alyas ‘Engineer’ at Arsani Membisa alyas ‘Khatab’
Base sa imbestigasyon sabay umanong pumasok sa gym ng MSU habang idinaraos ang isang misa pasado alas-6 nang umaga.
Napag-alaman din na bagong graduate ng MSU si alyas ‘Engineer’ na kilala umanong mabait tao sa kanilang komunidad.
Base sa CCTV footage bandang alas-9 nang umaga ng lumabas ng gym si alyas Engineer at sinundan ni Khatab 20 minuto bago ang pagsabog.
Pawang mga miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute group ang dalawang person of interest gayundin ang ikatlong suspek na hindi pa tinutukoy.
Ang mga POI ang itinuturong may kinalaman sa pagpapasabog sa isang power tower sa Kauswagan, Lanao del Norte noong Setyembre na ikinasawi ng isang pulis.