Natagpuang wala nang buhay ang piloto na Cessna Piper aircraff na bumagsak sa bulubunduking lugar sa San Mariano, Isabela.

Ito ang kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) batay sa ulat ng Incident Management Team (MIT) habang nanatili namang nawawala ang isang pasehero nito.

Batay sa ulat ng MIT, dakong 11:20 ng umaga nang marating ng mga parajumpers ang crash site at nakakita ang mga ito ng senyales na nakalabas pa ng eroplano ang pasahero nito.

“Unfortunately, the pilot of RP-C1234 was confirmed dead and the other passenger is still missing as of this time. Rescuing teams found signs that the passenger was able to camp out.,” pahayag ng CAAP.

Dadalhin ang bangkay ng piloto sa helicopter landing zone bago ito ilipad sa Cauayan City bukas, Disyembre 8, 2023.

Ulat ni Baronesa Reyes