Namataan ng Philippine Coast Guard ang mahigit 135 Chinese militia vessels sa bisinidadng Juan Felipe Reef na pasok sa West Philippine Sea (WPS) nitong Sabado, Disyembre 2.
Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bigla na namang dumami ang bilang ng mga Chinese vessels sa karagatan na sakop ng Pilipinas simula noong Nobyembre 13 kung saan umabot sa 111 barko ng China ang malapit sa Kalayaan Group of Islands.
Noong nakaraang buwan, mahigit 30 barko ng China ang namataan malapit sa Ayungin Shoal habang nasasagawa ng resupply mission ang PCG para sa mga sundalo ng BRP Sierra Madre.
Ayon sa AFP, habang dumarami ang bilang ng Chinese vessels sa loob ng 200-exclusive economic zone ng Pilipinas ay tumaas naman ang tensiyon sa WPS.
Tiniyak ng AFP na nagpapatuloy ang patrol operations ng mga barko ng PCG sa mga kritikal na lugar upang maidokumento ang galaw ng mga Chinese vessels doon at magamit na ebidensiya sa santambak na diplomatic protests na inihahain ng gobyerno ng Pilipinas laban sa China. (Photo courtesy of Philippine Coast Guard)