Sinabi ni DFA spokesperson Teresita Daza na mayroon pang 89 kaso ng death penalty si China na may kinalaman sa ilegal droga subalit dalawa dito ay naibaba sa “life imprisonment” matapos umapela ang kani-kanilang gobyerno.
Ayon sa tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Teresita Daza, dalawa sa mga nasa death row ay mga Pinoy na under review ang kanilang sintensiya dahil sa pakiusap ng gobyerno ng Pilipinas.
Noong Nobyembre 24, 2023, dalawang Pinoy ang isinalang sa lethal injection sa Guangzhou dahil sa kasong pagpuslit ng 11.872 kilo ng shabu mula China patungong ibang bansa noong 2013.
Dahil dito, sila ay sinintensiyahan sa parusang kamatayan noong 2018 at ilang beses umapela ang gobyerno ng Pilipinas na ibaba ang parusa ngunit hindi ito pinakinggan ng Chinese government, ayon sa DFA.
Noong 2011, apat na Pinoy ang in-execute dahil sa kasong illegal drugs matapos ibinasura ng China sa kabila ng apela ng Pilipinas.