Ibinahagi ni Bureau of Immigration (BI) Legal Division chief Arvin Arces Santos, na nakatakda nang ipa-deport pabalik ng Russia ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy na unang naaresto noong Abril 2025.
“Nag-isyu na po ng deportation order against Vitaly Zdorovetskiy… nakalagay po doon sa ating deportation order na ang pag-deport sa kanya ay subject to clearances ng NBI at kung saan siya nagkaroon ng kaso,” pahayag ni Santos.
Ayon kay Santos, nag-isyu na ang kanilang board of commissioners ng deportation order para sa vlogger na subject to clearances pa sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa mga korte kung saan siya nagkaroon ng kaso.
“Nagko-coordinate na rin po kami sa pagde-deport-an na lugar niya, ‘yung bansa niya which is sa Russia,” wika ni Santos sa press conference ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Huwebes, Enero 15.
Nilinaw naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla na sa Russia ang pagproseso sa deportation ni Zdorovetskiy dahil doon ang kanyang passport of origin, sa kabila ng pagiging green card holder nito sa United States.
“We have no ill feelings against Vitaly, he has served his time and he has shown his rewards, and he is now a free man when he goes back to Russia,” ani Remulla.
Ulat ni Jilliane Libunao
