Inihayag ng US State Department na magpapadala sila ng $1 milyon (P58 milyon) emergency relief assistance sa Pilipinas bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong ‘Tino’ at sa mga patuloy na nagre-recover matapos ang sunud-sunod na bagyo at ang magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu noong Setyembre ngayong taon.

“To this end, the United States will provide $1 million in immediate life-saving assistance,” saad ng US State Department.

Magpapadala rin umano sila ng emergency shelter, logistics services, at safe water at sanitation para sa mga biktima ng mga nagdaang sakuna.

“As millions of Filipinos face the challenges left by these disasters, including the loss of family and loved ones, our rapid response stands as a testament to the depth and resilience of our enduring ties, especially in times of crisis,” saad sa pahayag ng State Department.

Ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD), nasa 188 katao na ang nasawi dahil sa bagyong “Tino.”

Nagdeklara na rin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng national state of calamity nitong Huwebes, Nobyembre 6, dahil sa epekto ng nasabing bagyo at sa paparating na bagyong “Uwan.”

Ulat ni Ansherina Baes