Naging usap-usapan ng netizens ang isang post ni dating senate president na si Tito Sotto sa kanyang X (dating Twitter) nitong Huwebes Nobyembre 16, ang kanyang saloobin patungkol sa mga pasaway na pumapasok sa Bus Lane sa EDSA.

“Ito kasing mga gagng driver daan ng daan sa busway kahit hindi authorized. Hulihin ng hulihin yan kahit sino! Yung mga boss naman, sipain nyo mga driver nyong gag!” ayon kay dating senate president Tito Sotto.

Kamakailan nahuli ang isang sasakyan na may plakang 8 matapos itong dumadaan sa Bus lane.

“Pag-maliit na tao madali sabihin na gag* nu? Pero kung tutuusin mas madaming gag* at kupal na politico,” komento ng isang netizen.

“Kung gag* ang driver… malamang gag* rin ang boss. Siya nag-hire diyan eh,” hirit pa ng isang netizen.