Sinimulan ng PCG ngayong Huwebes, Nobyembre 16, ang search and rescue operations para sa apat na mangingisda na iniulat na nawawala sa Barangay Cato sa Infanta, Pangasinan.
Naglunsad ang mga awtoridad ng search and rescue operations para sa apat na mangingisdang iniulat na nawawala sa karagatan malapit sa Barangay Cato, Infanta, Pangasinan.
Idineploy ang mga asset ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Air Force (PAF) ngayong Huwebes, Nobyembre 16, para hanapin ang mga mangingisdang sakay ng motorbanca Pepito 3, na nawawala mula noong gabi ng Nobyembre 12.
“The PCG and PAF launch search and rescue operations to look for four missing fishermen on board motor banca Pepito 3 in the vicinity waters off Brgy. Cato, Infanta, Pangasinan,” ayon sa PCG.