Binawian ng buhay ang isang police operative matapos na barilin ng inaarestong drug pushers sa ikinasang buy-bust operation nitong Miyerkules, Nobyembre 15, ng madaling araw sa Barangay Kinasang-an Cebu City.
Nakilala ang biktima na si S/Sgt. Languido Baculi, miyembro ng Regional Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Station.
Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO)-7, nagpanggap na buyer ang biktima sa buy –bust operation na inilatag laban sa mga suspek na sina Atong Rafols at Ramil Salazar.
Gayunman, sa gitna ng operasyon ay naramdaman ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon kung kaya’t agad siyang tinadtad ng bala.
Dead-on-the-spot ang biktima habang nakatakas naman ang mga suspek.
Agad namang kinondena ni PRO 7 chief Brig. Gen. Anthony Aberin ang pagpatay kay Baculi. “Today (Wednesday), the Police Regional Office-Central Visayas (PRO-7) woke up to sad news that one of our personnel was killed while performing his duty. A bemedalled police officer, father of five children paid the ultimate sacrifice of being a law enforcer. We condemn the killing of our police officer who was performing his job,” pahayag ni PRO 7 spokesperson Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare.
Kaugnay nito, iniutos na ni Aberin ang pagsasagawa ng manhunt operation laban sa mga suspects.
Ulat ni Baronesa Reyes