Patay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) member matapos na makuryente sa bubong ng health center sa Negros Occidental nitong Martes, Nobyembre 14.

Nakilala ang biktima na si Mark Perolino, kagawad ng Barangay Batgo , Hinigaran, Negros Occidental.

Batay sa ulat ng Hinigaran Municipal Police Station, naganap ang insidente nitong Martes sa Barangay Bato Proper, Hinigaran,.

Umakyat umano sa bubong ng health center ang biktima upang ayusin ang isang electrical wiring. Gayunman, nahawakan ng biktima ang isang high tension wire kung kaya’t agad siyang nangisay bago bumagsak sa lupa.

Naitakbo pa ang biktima sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon naman sa linemen ng power utility firm, nakakita sila ng illegal electrical connection malapit sa health center.

Ulat ni Baronesa Reyes