Ang Marawi Compensation Board (MCB) ay mamamahagi na ng paychecks simula Nobyembre 20, sa mga naging biktima ng madugong Marawi siege noong 2017.
Sinabi ni Sen. Risa Hontiveros, budget sponsor ng MCB para sa 2024, sa mga plenary debate na hanggang ngayon, wala pa talagang naibibigay na pera sa mga biktima ng pagatake ng Maute at Abu Sayyaf terrorists noong Mayo 23, 2017.
Aabot sa 400,000 residente ang nawalan ng tirahan matapos pulbusin ng tropa ng gobyerno ang pinagkukutaan ng mga terorista sa siyudad.
“To date the MCB has evaluated around 303 structural claims amounting to P1.01 billion, and 59 death claims amounting to P26 million. Currently, the board has awarded 30 death claims out of the 59…30 for the months of October and November. This November 20th, 2023, they are going to have their first ceremonial awarding for the first batch of death claims and hopefully by December this year they shall begin awarding the structural claims after adjudication,” ayon kay Hontiveros.
Ipinaliwanag ni Hontiveros na hindi nagawang ibigay ng MCB ang mga death claim noong Oktubre dahil sa election ban ng Commission on Elections (Comelec) sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Hontiveros, ipinaalam na ng MCB ang unang batch ng mga claimant na tatanggap ng kanilang cash awards sa Lunes.