Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Double D Training Consultancy Services (DDTC) sa MBI Building, Ronquillo corner Ongpin St., Sta. Cruz, Manila, na nagaalok ng maritime jobs sa mga Pinoy.
Ayon kay DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, walang lisensiya at hindi awtorisado ang DDTC na mag-recruit ng mga Pinoy seafarers para magtrabaho sa ibang bansa.
“Always check the DMW website for the list of licensed agencies and approved job orders. Itong si DDTC wala silang lisensya kaya wala silang karapatan na mag-hire o mag-deploy ng seafarers sa abroad,” sinabi ni Cacdac.
Napagalaman din sa isinagawang surveillance operation ng DMW na naniningil ng P80,000 para sa processing fee ang bawat aplikante para sa sea-based position tulad ng seaman, oiler at engineer.
Ulat ni Bob Dungo Jr.