Nag-abiso ang state weather bureau ngayong Lunes, Nobyembre 13, na ang low pressure area (LPA) na binabantayan sa silangan ng Mindanao ay maaaring maging tropical depression sa loob ng araw na ito hanggang bukas.
“Malaki yung potential na itong low pressure area na ito ay maging bagyo. Posible ngayong araw o bukas,” ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina.
Sa kanilang 4 a.m. briefing, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang bagyo ay maaaring tumawid sa Visayas o Mindanao o kaya ay pumaling patungong Japan.
Kaninang alas-3 ng madaling araw, nasa 1,400 kilometro east ng northeastern ng Mindanao ang LPA at tinatayang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules o Huwebes.
Ang bagyo ay bibigyan ng local name na “Kabayan” kapag ito ay pumasok sa PAR.