Nagalok si Misamis Occidental Gov. Henry Oaminal Jr. ngayong Biyernes, Nobyembre 10, ng P9.5 milyong pabuya sa sino mang makapagtuturo sa mga pumatay sa broadcaster na si Juan Jumalon at mga nasa likod ng naunsiyaming pananambang sa kanya kamakailan.
Ang reward system ay inanunsiyo sa social media ni Oaminal ang alok nitong pabuya laban sa mga killers ni Jumalon, na kilala rin bilang “DJ Johnny Walker” sa bayan ng Calamba, Misamis Occidental, noong Nobyembre 5, at tangkang pananambang sa kanya at mga kasamahan nito sa Ozamis City gamit ang improvised explosive device noong Oktubre 15.
Narito ang listahan ng pabuya sa kasong pagpatay kay Jumalon at foiled ambush attempt kay Governor Oaminal:
- REWARD: P500,000
Case: Murder of Broadcaster Juan “Johny Walker” Jumalon
Date of commission : November 5, 2023
For any individual that can provide information leading to the gunman who heinously murdered radio commentator Juan Jumalon.
- REWARD: P3,000,000-
For any law enforcer that can arrest the gunman who heinously murdered Jumalon.
- REWARD: PHP 1,000,000
Case : Attempted murder
For any individual that can provide information on those who have attempted murder and ambush by IED explosives against Governor Henry Oaminal.
- P5,000,000
“For any law enforcer that can lead to the arrest of the criminals that have attempted murderer and ambush by IED explosives against Governor Henry Oaminal,” ayon sa social media post ng gobernador.