Isang babae mula Kapalong, Davao del Norte ang buong pusong pumayag na ikasal sa kanyang nobyo kahit patay na ito.

Lunes, Nobyembre 13, 2023 ikinasal si Aiza Jean Ayala kay Mardie Perdez na namatay ilang araw pa lang ang nakararaan.

Sa ibinahagi ni Kapalong Mayor Tess Timbol sa kanyang Official Facebook account, sinabi niya na ito ang kauna-unahang seremonya na ginawa niya kung saan ang isa sa kinasal ay nasa kabaong na.

Ilang oras nakausap ni Aiza si Mayor Timbol upang ipinaliwanag ang espesyal na love story nila ni Mardie.

Sa Manila sila unang nagkakilala at doon nagsimula ang kanilang tunay na pagmamahalan.

Dalawang beses binalak ng dalawa na magpakasal ngunit hindi natuloy dahil sa iba’t ibang pagsubok sa buhay na dumating sa kanila.