Lima ang patay habang 11 iba pa ang nasugatan sa banggaan ng multicab at pampasaherong van nitong Huwebes, Nobyembre 9, ng madaling araw sa Barangay Guindapunan, Palo, Leyte.
Isa sa mga nasawi ay nakilalang si Rochielle, Christina at Mario habang ang dalawang iba pa ay kinabibilangan naman ng 17-anyos na babae at 16-anyos na lalaki.
Isinugod naman sa Eastern Visayas Medical Center at Leyte Provincial Hospital ang mga nasugatang biktima.
Batay sa ulat ng Police Regional Office 8, ang mga nasawing biktima na pawang mga miyembro ng isang pamilya ay lulan ng isang multicab mula sa Tacloban City at patungo sana sa simbahan ng Iglesia ni Cristo sa Palo, Leyte nang maganap ang aksidente.
Binabagtas ng multicab ang national highway nang mabangga sila ng kasalubong na pampasaherong van na nagmamaneobra sa kaliwang bahagi ng kalsada.
Dahil sa lakas ng impact ng banggaan, dead-on-the-spot ang limang pasahero ng multicab habang sugatan naman ang 11 pang pasahero ng dalawang sasakyan.
Kabilang sa mga nasugatan sina Dario Biros Daroy at Dario Idara Daroy, 55-anyos pawang mga pasahero ng multicab.
Ulat ni Baronesa Reyes