Hindi na magsasagawa ng dry run para sa pagpapatupad ng dagdag multa para sa mga motorista na lalabag sa excluse EDSA bus lane policy ng Metropolitan Manila Development Authority sa Lunes, Nobyembre 13.
Basahin: Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes, tuluyan na nilang titiketan ang mga pasaway na motorista na lalabag sa exclusive bus lane sa EDSA na ipatutupad simula Lunes, Nobyembre 13.
Sinabi rin ni Artes, para sa mga violators na hindi naaktuhan ng mga traffic enforcers subalit ine-report ng mga concerned motorists sa MMDA o Land Transportation Office (LTO), ang papatawan ng penalty ay ang may-ari ng sasakyan.
Mula sa kasalukuyang P1,000, narito ang mga bagong penalty rates:
1st offense: ₱5,000
2nd offense: ₱10,000, seminar, and one month suspension of driver’s license.
3rd offense: ₱20,000, one year suspension of driver’s license.
4th offense: ₱30,000, revocation of driver’s license.