Sisimulan nang ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mas mataas na multa para sa mga motoristang lalabag sa exclusive city bus lane policy sa EDSA simula sa Lunes, Nobyembre 13.
Sinabi ni MMDA acting chairman Atty. Don Artes na ang pagpapataw ng karagdagang multa sa mga EDSA Bus Carousel lane violators ay base sa MMDA Regulation No. 23-002 na inaprubahan ng Metro Manila Council kamakailan.
Ang bagong penalty rates ay ang sumusunod:
First offense – P5,000
Second offense – P10,000 na may kasamang one-month suspension ng driver’s license, at kailangang sumailalim sa road safety seminar.
Third offense – P20,000 na may kasamang one-year suspension ng driver’s license.
Fourth offense – P30,000 na may kasamang rekomendasyon sa Land Transportation Office (LTO) na ipawalang bisa ang driver’s license.
“These EDSA bus lane violators will be reported to the Land Transportation Office and penalties will be attached to the vehicle owners,” ani Artes.