Pinagaaralan ng DILG-Davao ang posibilidad ng pagsasagawa ng special election sa Barangay Datu Abdul Dadia sa Panabo City matapos masawi sa pamamaril ang bagong halal na barangay captain sa lugar noong Miyerkules, Nobyembre 7.

Inihayag ng DILG-Davao ang planong ito sa isang press briefing ng AFP-PNP sa Royal Mandaya Hotel Miyerkules ng umaga, Nobyembre 8.

Gayunpaman, ayon kay Regional Director Alex Roldan, ang sitwasyon ay depende sa desisyon ng Office of the City Mayor at ng Commission on Elections (Comelec) dahil wala sa batas ng Pilipinas na gagawin ang electoral at political appointment sa antas ng barangay, lalo na kapag ang isang kandidato ay hindi pa nagsimulang makapaglingkod sa posisyon.

Nagsasagawa pa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad ng pulisya para madakip ang mga suspek at matukoy ang motibo sa likod ng krimen.