(Photo courtesy Eminem Instagram)
Pumirma ng kontrata ngayong Huwebes, Hulyo 27, ang Filipino-American rapper na si Ez Mil sa mga record labels ng kapwa international rap icons na sina Eminem at Dr. Dre na Shady Records, Aftermath Entertainment at Interscope Records.
Ang susunod na proyekto ni Ez Mil na ‘DU4LI7Y: REDUX’ ay ilalabas sa Agosto 11, at magre-release ng kantang tinatawag na ‘Realest,’ tampok si Eminem.
Narinig ni Eminem ang musika ni Ez Mil at dinala niya ito kay Dr. Dre, na nauwi sa kanilang collaboration.
“We’ve never been out there signing a lot of artists, and one of the great things about how we built Shady is how selective we’ve been,” saad ni Eminem.