Maglalaan ang DBM ng mahigit P101.51 bilyon sa ilalim ng panukalang P5.768-trillion 2024 budget para sa National Health Insurance Program ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang P101.51 bilyong alokasyon para sa programa ng PhilHealth ay mas mataas ng P1.28 bilyon kumpara sa inilaan sa kasalukuyang taon.
Ang tumaas na budget para sa National Health Insurance Program ay ginawa para “accommodate an expanded pool of beneficiaries and to double the annual premium rate for persons-with-disability (PWDs) from P2,400 to P5,000.”
Sinabi ng Budget Department na ang iminungkahing budget para sa programa ay makikinabang sa humigit-kumulang 12.75 milyong indigent members na tinukoy ng National Household Targeting System sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).