InanunsIyo ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng Year-End Bonus (YEB) at Cash Gift (CG) simula ngayong Lunes, Nobyembre 15 para sa kuwalipikadong government workers.

“Alam ko marami sa inyo na excited matanggap ang bonus ninyo, pero sana huwag natin kalimutang gamitin ito ng tama. Spend it wisely, and invest it on things and needs that truly matter. Unahin ninyo ang mga kailangan kaysa luho lang,” ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman.

Simula Oktubre 31, 2023, ang Year-End Bonus ay kinakalkula bilang isang buwan ng basic pay ng empleyado habang na may kasamang CG na nagkakahalaga ng P5,000. Ang mga bonus na ito ay isang paraan ng pagkilala at pagpapahalaga sa pagsusumikap at dedikasyon ng mga manggagawa sa gobyerno sa buong taon.

“This is in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to ensure that our government workers are given these rightful tokens for all their sacrifices that are greatly contributing to the reactivation of our economy,” sabi ni Pangandaman.